Monday, December 12, 2011

An Ode to a Dear Friend

I was chatting with mel and browsing thru my ym chats as well...
then I came across my old chats
Lorelie was asking me to buy 8 oz feeding bottles for Asha
Malaki na daw kasi si Asha...kulang na sa kanya ang 4 oz niya.

:(
Sabi ko ayaw ko magsulat about her...
Umpisa pa lang kasi iyak na ako ng iyak.
at shempre umiiyak na nga ako...hay Lie!

I want to remember the Lorelie that we love.

Ikaw yung unang nagpa-realize sa akin ng 'may pinagdadaanan'
-CLP Training, lagi may kwento as to how you were led to attend in spite of and despite of...
-lagi kasing 'amy pinagdadaanan' (peace, Lie!)

Ikaw yung nagpatibay ng household natin
-you wanted exclusivity; you didn't want joint households...in a good way. we were sharing so much private and personal matters you wanted it to be between and within the bounds of momi jho's household lang

Ikaw yung madaling lapitan sa paghingi ng tulong
-financial man yan...makakausap man yan...basta mag-ready lang sa kantyaw mo.

Ikaw yung masarap pilitin
-kasi nagpapapilit ka naman...matulog lang kami sa bahay niyo, ksama ka na naming a-attend sa teaching kinabukasan...tamad mo kasi...aging! (peace ulit, mwah!)

Ikaw yung ayaw sa marumi, sa madilim, ayaw sa maputik...
-linya nga yan sa pelikula...na paborito mo'ng sinasabi kasama ng iba't-iba pa'ng linya...
malupit ka kasi sa mga famous lines...malupit ka sa memoryahan.

Ikaw yung nakakatanda ng mga kaganapan
-alam ko kung ano'ng petsa tayo nag-graduate, date, year and day.
ganoon ka kalupit

At shempre...
Ikaw yung videoke queen
-sino samin nila Gina ang makakalimot nang malupit mo'ng "I can name that tune in one note!"
lupit mo tlaga...And indeed, you can name the tune. :D
Kinabisado ma na yata lahat ng kanta sa videoke

Mapa-pelikula, mapa-kanta...sabi ko nga you were born durign the golden years....an era wherein the culture and and genre of music is at its richest....

Kailangan ko pa ba'ng sabihin na maganda ang boses mo?
-sabi ko nga kay Gina, kung may brokenness ako...yun ay hindi kita napanood while performing live during the Home Natcon. definitley a rare opportunity kasi napkamaiyain mo sa gitna ng mga talento mo

At may tatalo pa ba sa brokenness ko na...anjan ka na sa tabi ko pero hindi pa kita nayakap...niyakap actually.  dahil ayaw ko'ng maiyak. dahil you looked so fragile i'm scared i'll hurt you.  dahil alam ko magkikita pa tayo sa pag-uwi namin ni Gina ng Feb...

Maybe I haven't mourned enough kaya ako ganito....mabigat ang iyak, masakit sa dibdib....Maybe because it's still fresh it's so easy to be on denial stage.  Maybe it's so painful I chose to bury it....

Whatever...

Basta alam ko...what i want to remember fondly, you always assure us na alam mo'ng mahal ka namin.
Kapag nakakausap kita palagi mo'ng sinasabi, "alam ko naman pinagdadasal niyo ako"
and in an instant I am relieved. and in an instant I feel so loved by you...kasi naniniwala ka sa amin sa household. Thank you na kahit kami yung dapat nag-a-assure sa iyo, you're always ready with your love for us.

Love you, Lie. Mahal na mahal ka namin.
At Salamat na mahal na mahal mo rin kami.
andami ko pa'ng gustong sabihin....
kaya lang mas gusto ko na muna'ng umiyak
and mourn for a while....
get in touch with the reality
na binabantayan mo na kami ngayon from above.

Love you.  Till we meet again...