Monday, May 13, 2013

himay? himaymay? ano daw?

nagsimula sa nanginginig kong himaymay...

ano daw? himaymay?

diba hinhimay ung food
tanong ng Miss Best in Filipino...

at nag-umpisa na nga ang pagitingan sa pakikipagtalastasan...

hahahahah!

Best in Filipino (B): datapwat alam mo ang mga kamalayang tulad nyan hindi mo parin masasabing ikaw ang magaling magtagalog 

Me: hindi ko ipinagmamagaling na ako ay linang sa pananagalog...akin lamang ipinagkakamapuri na may iilang kawikaan akong hindi mo nababatid


B: hindi mo maipagkakailang masyado ng malalim yan para sa isang tulad kong pinanganak nitong mga nakalipas na taon lamang.

hindi ko mawari ang iyong sinasabi 

Me: sa aking hinuha ay hindi mo nag mauunawaang lubos...


B: ikaw na nga ang maalam sa mga bagay na tulad nya... di mapagkakailang madami ka ng napagdaanan.. gaano ba kalayo ang agwat ng ating edad? 


Me: Ang mga nagugupo daw ng kalaban ay sadyang humahabi ng ibang kakatwiranan tulad ng pagbanggit ng taon ng pag-aaral...nagbago na ba ang kurikulo ng panitikang pilipino?

o sadyang hindi na ito inukilkil sa isip at nanatili na lamang sa mga kuwaderno? 

B: di lang sa paaralan at pagupo sa bangko natutunan ang mga bagay na yan.

sabi igalang ang nakatatanda, kung kaya mananahimik nalamang akong isang hamak na bata

Me: ang pangungutya ay hindi mabisang panangga sa kulang sa kalinangan


B: ang alm ko ang bwan ng wika ay sa agosto pa... ngunit subalit datapwat bakit natin ginagawa ang mga gnitong bagay hahahaha


Me:ibo-blog ko ang ating talastasan 



thank you for crazy, corny, funny moments like this.

mababaw man...masaya pa rin.
ikaw na nako-corny-han... :P
tayo na malupit ang age gap...
basta. 
happiness.

"you don't wait for a moment to be perfect...you seize the moment and make it perfect." *winks! *winks!