Received this email from Ate.
Nakausap ko na si tatay.
Wala namang importanteng itinanong.
Gusto daw nila umuwi sa Bulacan sa Huwebes.
Sabi ko wag na mag-arkila ng sasakyan, dahil mag-stay sila ng 3 days.
Sayang naman yung pera, pag-gasta na lang kako nila.
Nakausap ko din si Janella, Section 1 sya sa grade2 at Top 5.
Sabihin ko daw sa mga mama niya.
Kuya remains at Section 5, malungkot daw sya kasi d tumaas ang section.
Yung ibang classmate daw niya tumaas ang section.
Sabi ko bawi sya sa pasukan, dapat umpisa pa lang galingan na niya.
Alisin na ang ugaling naghahabol. Bawas barkada din
Si Ate remains at Section 1, pero d nakasama sa Top 10.
Wala daw kasi siyang extra curricular activities. Ayusin daw niya yung Grade 6 niya.
Sabay iyak, sana daw andun ako to hug them.
Haaayyy!
Lord, You know our prayers for our family...
May You bring us together once more in Your perfect time...
(pwede for keeps?!)
No comments:
Post a Comment